Tips Paano Magsulat Gamit ang AI na Hindi Halata

Ilang taon na ang nakalipas mula nang sumikat ang paggamit ng AI sa mga unibersidad, at hanggang ngayon, ito ay nananatiling kontrobersyal. Kaya, paano nga ba ito gawin nang hindi mahahalata? Subukan ninyo ang mga tools at tips na ito.

John Angelo Yap

Updated October 17, 2024

Reading Time: 5 minutes

Madalas akong gumamit ng AI sa pagsusulat, at kahit kailan ay hindi pa ako bini-bigo nito.

Nakita natin ang pagdagsa ng iba’t ibang teknolohiya noong mga nakaraang taon. Ang OpenAI, ang kumpanya ng nasa likod ng ChatGPT, ay patuloy na namamayagpag at mas lalo pang sumisikat.

Ang GPT-4o at Sora ay ilan lang sa kanilang pinakabagong products, at sinasabing kaya nilang magsulat na gaya ng tao.

Kung totoo nga ito, kaya na nga ba talaga natin mag pagsulat gamit ang AI nang di nahahalata? Sa tingin ko, hindi pa rin.

Napaka-simple nang dahilan kung bakit: hinuhulaan lamang ng AI ang mga susunod na salita ng isang pangungusap base sa mga unang salita na nabasa niya.

Sa ngayon, ang mga sinulat ng AI ay madali pang mahalata, lalo kung ang mga salitang ginamit ay mga simple lang at parang pinaghalo-halo. Pero huwag kang mag-alala, may mga paraan at tools na pwede mong gamitin para makalusot sa mga AI detection tools.

Paano Magsulat Gamit ang AI at Pumasa sa AI Detection

May mga ilang AI tools na kayang mag-paraphrase ng mga isinulat gamit ang mga AI writing tools gaya ng ChatGPT, Claude, at Bard para hindi madali halata. 

Ang mga ito ay gumagamit ng pinagsamang machine learning algorithms at natural language processing techniques para tanggalin ang mga palatandaan na ito’y galing sa AI. Pero, dapat maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap at malinaw basahin.

PAALALA: Huwag mong gamitin ang AI sa mga ilegal at imoral na gawain.

Undetectable AI

Undetectable AI ang una kong nirerekomenda. Kaya nitong baguhin ang content sa iba’t ibang style, gaya ng essays, general writing, marketing campaign, at iba pa.

Para gamitin ang Undetectable AI, i-paste lang ang iyong text at pumili ng gusto mong tono sa iyong sinulat. Tapos, i-click ang "Humanize" button.

Sa ilang saglit lamang, aayusin agad ng tool na ito ang iyong sinulat. Mapapansin niyo na nababawasan ang pagka-halata na AI ang gumawa ng isang teksto.

Sinubukang kong magpasulat sa ChatGPT tungkol sa pizza at ipinasok ko sa Undetectable AI. Narito ang kinalabasan.

At ito naman ang lumabas nung ginamit ko ang Copyleaks.

Ganun pa man, kailangan mo pa rin basahin mabuti at ayusin ang ilang mga pangungusap para mabawasan ang mga pagkakamali na nadagdag nito para mag-mukhang hindi AI ang nagsulat. Pero, bihira lang naman ang mga ganito. Gaya ng binanggit ko, magaling ang Undetectable AI at sulit gamitin.

HideMyAI

Kumpara sa Undetectable AI, mas mabagal nang kaunti ang HideMyAI. Nahihirapan din ito minsan sa mga malalaking salita. Ganun pa man, kaya din nito na baguhin ang isang text para hindi mahalata na gawa ito ng AI.

Gamit muli ang ChatGPT, sinubukan ko ang HideMyAI at nilagay ko sa Copyleaks ang resulta. At gaya ng sa Undetectable AI, "human-generated" ang score nya. Tignan n’yo.

Ayusin ang Sentence Syntax

Alin mang tool ang gamitin mo, kailangan mong ayusin ang sentence syntax. Ibig sabihin, baguhin mo ang pagkakaayos ng mga salita at pangungusap at ang ugnayan nila.

Subukan mong pagpalitin ang active voice (gumagawa ng aksyon) at passive voice (tumatanggap ng aksyon). Medyo matrabaho ito pero malaking tulong para magmukhang ikaw talaga ang nagsulat.

Pwede mo ding pahabain o paigsiin ang ilang mga pangungusap o kaya paghaluin sila para umayon sa style ng iyong pagsusulat. Ang pinaka-importante, masarap ito basahin at madali maintindihan.

Pag nagawa mo ito ng maayos, mahihirapan ang mga AI detection tools na mahalata na gawa sila ng AI.

Gumamit ng Mga Mas Malalim na Salita

Ang isa pang mabisang paraan para hindi mahalatang isinulat ng AI ay ang paggamit ng mga malalalim na salita. Dahil dito, mababawasan mo din ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit ng AI katulad ng ChatGPT. Ang kagandahan pa nito, mas tataas ang kalidad ng iyong isinulat at bababa ang duda na gumamit ka nga ng AI.

Pero syempre, dapat ang mga salitang gamitin mo ay ayon sa mga ginagamit ng mga mambabasa mo. 

Dito mo magagamit ang mga tools na gaya ng QuillBot. Kaya nitong ayusin ang mga salita ng isang talata nang paisa-isa hanggang maging ayon sa pangangailangan mo.

Tandaan mo lang, dapat balanse ang pagiging sopistikado at pagkadali ng pagbasa. Isipin mo kung paano magsulat at magbasa ang karamihan sa atin. Ang pinakamahalaga sa lahat ay dapat ma-enganyo sila na basahin ang sinulat mo.

Anong Susunod?

Mula nang lumabas ang ChatGPT, naging pangkaraniwan na ang paggamit nito mula sa unibersidad hanggang sa trabaho. Nakakabilib din naman ang mga tools tulad ng Undetectable or HideMyAI na kayang baguhin ang mga sinulat nito. Konting ayos lang, hindi mo na mahahalatang galing sa AI.

Napakabilis talaga ng mga pagbabago ngayon, lalo na sa teknolohiya. Sigurado ako, mas marami pang pagbabago ng darating. Kaya dapat, handa tayo.

Ipapaala ko lang muli, huwag mong gamitin ang AI sa masama at ilegal. Gawin mo lang na assistant at huwag iasa ang lahat sa kanila.

Want to Learn Even More?

If you enjoyed this article, subscribe to our free newsletter where we share tips & tricks on how to use tech & AI to grow and optimize your business, career, and life.


Written by John Angelo Yap

Hi, I'm Angelo. I'm currently an undergraduate student studying Software Engineering. Now, you might be wondering, what is a computer science student doing writing for Gold Penguin? I took up studying computer science because it was practical and because I was good at it. But, if I had the chance, I'd be writing for a career. Building worlds and adjectivizing nouns for no other reason other than they sound good. And that's why I'm here.

Subscribe
Notify of
guest

0 Comments
Most Voted
Newest Oldest
Inline Feedbacks
View all comments